“Ok na po kami.”
Matapos mabatikos, nakausap na ni Alex Gonzaga ang waiter na pinahiran niya ng cake sa mukha. Ayon kay Allan Crisostomo, humingi ng paumanhin sa kaniya ang aktres noong Enero 17.
Una nang sinabi ng publicist ng mga Gonzaga na kilala na nila ang waiter dahil madalas nila itong kunin para sa catering service.
Ang mga larawang ito ay ibinahagi ng restaurant na pinagtatrabahuhan ng waiter.